[Fiona's POV] "Libre mo ko ah!" sigaw ko kay Dexter Nasa may coffee shop kami. Wala lang natripan lang namin gumala. Bigla nalang nagyaya eh. "Malamang. Ako nga nag-aya diba?" "Eh kasi malay mo KKB pala. Bakit ako? Nagyayaya ako pero KKB dapat. Hahaha." Napatawa naman siya sa sinabi ko. Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko ang babaeng kakapasok lang sa cafe. Ito na. Nandito siya. Coincidence. "Kelly." bulong ko pero mukang narinig ni Dex kasi tinignan niya yung direksyon kung san ako nakatingin "Uy si Kelly pala." "Natuwa ka naman?" pang-aasar ko "Hindi naman." di naman pero halatang kinikilig. Tss. "Uy! Kayo pala to Fiona. Ngayon ko lang napansin. Kayo ah. Nagdedate." sabi ni Kelly paglapit niya samin "Hindi ah. May ibang gusto tong si Dex." ikaw! Ikaw ang gusto niya! "Oh?

