[Leigh's POV] "ANO?!" sigaw nilang tatlo Nasa cafeteria kami kaya napatingin yung mga tao dahil bigla silang sumigaw. Nagpeace sign nalang kami. "May something ba sainyo?" takang tanong ni Fiona "Wala ah." "Pero gusto mo?" pag-uusisa ni Laureen "Ano pa bang maitatago ko sainyo? Oo gusto ko." "YIIIIEEEE! Nainlove ka na kay Jace. Well, mabait naman kasi ang isang yun at sobrang thoughtful pa kahit na makulit at lagi kang inaasar." sabi naman ni Trish. "Pero syempre hanggang friends lang kami. Hindi ako magugustuhan nun." "Kaya pala alalalang-alala sayo kagabi. Hinalikan ka pa sa noo gaya ng kwento mo." sabi naman ni Fiona "Grabe! Gusto ko talaga yung halik sa noo eh. Kakilig naman si Jace." sabi ni Trish habang kinikilig kilig pa. "Grabe kayo guys. Wag ganyan. Kaibigan lang ako du

