[Leigh's POV] Dismissal na namin so lumabas na ako kasama yung tatlo. "Uwi na tayo, daming assignments for tomorrow eh." pag-yaya naman samin ni Laureen "Oo, kailangan mo na talagang umuwi. Ayan na yung sundo mo oh. Nakaabang na sayo." natatawang pang-aasar ni Trish sakanya Sus. Lahat naman sila may sundo eh. Si Dex kasi sinusundo si Fiona since dun siya nagdidinner kela Fiona. Oh diba! HAHAHA. Inampon na ata yan nila tita eh. "Sabay ka samin Leigh gusto mo?" tanong ni Trish. Umiling naman ako. s**t! I forgot may kukunin pala ako sa locker ko. "Okay lang ako. Babalik din ako may nakalimutan pala ako sa locker ko." Tumango naman sila atsaka ako niyakap. Bumalik na rin naman ako sa may locker area since may nakalimutan nga akong kunin. Hindi pa naman ganun kagabi so marami pa rin nama

