[Jace's POV] "Hi po tita." bati ko sa Mommy ni Niks. "Jace? Nako, nagmature ka na. Binatang binata ka na ah." nakangiting sabi ni Tita Sally. "Bagay kami noh?" tanong ni Niks bigla "Anak naman. Nako pasensya ka na rito kay Niks." sabi naman ni Tita na natatawa. "Tita, punta na po ako sa mga friends ko ah. Thank you po." pagpapaalam ko naman. Pumayag naman si tita kaya bumalik na ako sa table namin. Nakita ko si Leigh na nagcecellphone. Nakayuko lang siya at tahimik lang. Naalala ko nanaman ang sinabi niya kanina. Hindi pa nga ako nanliligaw nabasted na agad ako. Nakakainis naman. Nung sinabi niya yun hindi ko malaman kung anong irereact ko. Pero buti nga at nagawa ko pa rin na magreact sa mga sinabi niya. Pero ang totoo, nasaktan ako sa sinabi niya. Na hanggang friends lang kami.

