EPISODE 29

2394 Words
Madilim na ang kapaligiran ng nakadating kami ni Gabriel sa bahay nila. Pagpasok na pagpasok mo palang sa bahay nila makikita mo na agad ang nag gagandahang litrato na nakasabit sa dingding nila. "Ang ganda!" masayang sambit ko kay Gabriel. "Kuha ng daddy ko yan," nakangiting sambit niya sa akin. "Wow! Ang galing! Gusto ko din sana magkaroon ng ganyang kuha ng litrato kaso alam ko mahal yang ganyang diba?" tanong ko sa kanya. "Gusto mo ako na kukuha sayo?" "Photographer Papa mo?" tanong ko sa kanya. "Dati. Oo pero ngayon cameraman na siya," "Ang galing naman! Edi nakakakita siya ng mga artista o mga model?" "Oo pero hindi na siya ganun ka active sa photography dahil sa kupal niyan boss!" galit na sambit ni Gabriel sa akin "Sinong Boss niya?" "Si...," putol na sambit niya sa akin. Habang nag uusap kami ni Gabriel ay biglang dumating ang Mama niya. Masaya itong bumati sa akin. "Hello? You must be Gianna? Matagal na kitang gustong makilala," sambit ng Mama ni Gab habang binebeso ako. "Ma!" sigaw ni Gab sa Mama niya. , "Leave us alone!" "I'll make dinner for us!" nakangiting sambit niya sa amin sabay alis. Umalis na ang Mama ni Gabriel at tumungo na ito sa kusina para mag handa ng gabihan. "Dito kana mag dinner huh? Ok lang naman siguro sayo?" tanong sa akin ni Gab. "Sure!" Inaya na ako ni Gab na pumunta sa sala para doon tapusin ang study namin. Nag babasa ako ng libro ng mga oras na ito ng biglang tumunog ang cellphone ni Gabriel. "Sagutin mo na yan tawag sayo, Ok lang naman sa akin kasi patapos na tayong dalawa," nakangiting sambit ko sa kanya. "Hayaan mo na to. Wala namang kwenta yung tumatawag sa akin," "Ok! I-silent mo nalang para hindi ka maabala sa ginagawa mo." Pagkatapos kong magbasa ay lumapit ako sa tabi ni Gabriel para tingnan ang tinatype niya sa laptop niya. Binasa ko ito at maganda naman ang nakasaad sa ginagawa niya. "Nice! Ang ganda ng explanations! Malapit kana ba matapos diyan?" "Malapit na to! kunting kembot nalang at ipi-print ko na," "Goods yan para makatapos na tayong dalawa." Tumingin sa akin si Gabriel sobrang talim ng tingin niya sa akin. Kinabahan ako ng bahagya sa tingin na yun dahil ganyan tumingin si Lucio sa akin. "Makatingin ka girl?" asar ko sa kanya. Hindi sumagot si Gabriel sa sinabi ko at patuloy pa rin ang titig niya sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil iba na ang nararamdaman ko parang may something na hindi ko alam. Akong mag expect sa isang bagay kasi mamaya masabihan akong assumera o pilingera. Nagulat ako bigla sa ginawa ni Gabriel sa akin dahil bigla niyang hinawi ang buhok sa mukha ko at iniayos ito. Tinanggal niya ang sumbrero ko at inayos ang buhok ko tsaka balik niya muli ng sombrero ko. Hindi ko alam kung bakit pinanghilutan ko siya na hawakan ako sa buhok. Nag iba ang titig sa akin ni Gabriel. Lumagkit ito! Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa paghawak niya sa mukha ko ramdam ko na papalapit siya sa akin kaya bigla kong iniwas ang katawan ko sa kanya at tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at lumayo sa kanya. "Tapusin mo na yang ginagawa mo Gab." seryoso kong sambit sa kanya. Inialis niya ang tingin sa akin at nag madali siyang mag type sa laptop niya. Lumipas ang ilang oras ay natapos na namin ang ginagawa namin ni Gabriel. Iniunat ko ang kamay ko at tumayo ako sa upuan ko. "Haayyy salamat natapos din!" masayang sambit ko sa kanya. "Natapos din. Sige upo ka muna dito at ipi-print ko na to sa kwarto ko o baka gusto mong sumama sa kwarto ko para mag print?" tanong niya sa akin. "Nako wag na! di nalang ako sa sala mag hintay sayo," nakangiting sambit ko sa kanya. "Ok!" Umalis na si Gabriel para pumunta sa kwarto at mag print ng study namin. Pag alis niya Gabriel ay huminga ako ng malalim. "Haahh... That was close Gia!" Umupo ako sa sa harap ng laptop ni Gabriel para mag basa ng gawa namin ngunit nagkamali ako ng pindot kaya lumabas ito sa screen. I was shock! Nakakagulat ang nalaman ko kay Gabriel. Nasa background niya ako ng laptop niya. Sinubukan kong buksan ang mga files ng laptop niya at nakita ko ang sa isang album ang mga stolen pictures ko. "Stoker? Para namang tanga tong si Gabriel." Habang ini-scan ko ang mga files ni Gabriel ay biglang sumulpot ang Nanay niya sa harap ko. "Hello!" bati niya muli sa akin. "Hello po Tita," bati ko pabalik sa kanya. "Maraming salamat sayo," "Para saan po?" naguguluhan tanong ko sa kanya. "Kasi hindi mo pinabayaan ang Gabriel ko. Alam mo ba na pang ilang kurso na ni Gabriel to at pang ilang sem na niya yan? Lagi kasing bagsak yang si Gabriel dahil sa hindi daw nag papapasok sabi ng mga prof niya. Pero ngayon nakita ko ang pursigi ni Gabriel mag aral," nakangiting sambit niya sa akin. "Aaahh... Mabuti nalang po at nag bago na siya," "Oo! Dahil yun sayo!" "Sa akin po?" "Kung hindi dahil sayo hindi na naman siya mag aaral ng mabuti. Salamat at naging girlfriend ka niya dahil sayo nag karoon siya ng inspiration sa pag aaral at para ipagpatuloy na niya ang pag aaral niya," "Girlfriend po? Nako mag kaibigan lang po kami ni Gabriel," nakangiting sambit ko sa kanya. "Nako kahit ano pa yan maraming salamat talaga sayo. Heto," habang abot-abot ang isang malaking pack ng chocolate. , "Favorite mo daw ang chocolate sabi ni Gabriel kaya binilhan kita ng set," nakangiting sambit niya sa akin. "Hala! Nag abala pa po kayo Tita? Pero maraming salamat po. Ok na po ako na masaya niyo akong pinatuloy sa tahanan ninyo," "Nako! bukas ang aming bahay para sayo." Masaya kaming nag kukwentuhan ng Mama ni Gabriel ng bigla siyang dumating dala-dala ang print outs namin. "Ma!" inis na sambit niya sa Mama niya. "Nakaluto na ako ng hapunan mamaya-maya dadating na ang Papa mo," nakangiting sambit ng Mama niya. "Thank you po sa dinner Tita," "Walang anuman Gianna." Umalis muli ang Tita para maghain ng hapunan at tsaka ay kinausap ako ng seryoso ni Gabriel. "Anong pinag usapan niyong dalawa?" tanong niya sa akin. "Hmmm... Secret!" asar ko sa kanya. "Wag kang maniniwala sa mga sinasabi ni Mama. Sinungaling yan," inis na sambit ni Gab sa akin. "Mukha namang totoo yung mga sinasabi niya sa akin. Tsaka heto ooh? Binigyan ako ni Tita ng mga chocolates!" nakangiting sambit ko sa kanya. "Sus! Expired na yan!" "Weeh? Ano lalasunin ako ng Mama mo? Kung binibigyan mo ako ng chocolates edi sana hindi na ako bibigyan ng Mama mo." Biglang ngumiti sa akin si Gabriel. "Nabibili ka pala sa chocolates! Hayaan mo bibigyan kita ng marami para tumaba ka!" "Nope! Kain pakainin mo ako ng isang kalderong kanin at ulam di ako tataba!" "Tingnan natin!" "Kayong dalawa diyan! Kain na! Nasa kabilang st. na daw ang Papa mo!" sigaw ni Tita mula sa kusina. Inaya na ako ni Gabriel sa kusina para kumain. Pagpunta namin sa kusina ay bigla akong napanganga sa dami ng pagkain sa lamesa. "May bisita pa po ba kayong dadating?" tanong ko kay Tita. "Para sayong lahat yan! Gusto kong matikman mo lahat ng putahe ko," nakangiting sambit ni Tita sa akin. "Chef po ba kayo Tita?" tanong ko sa kanya. "Napaka witty nga talaga ng girlfriend mo anak," natatawang sambit niya kay Gab. "Ma! Ano na namang pinagsasabi mo!" inis na sambit ni Gab. "Aysus! Binata na talaga ang anak ko. Alam mo ba Gianna? Lagi kang kinukwento sa amin ni Gab. Sobrang talino mo daw at sobrang bait na bata," "Masipag lang po akong mag basa Tita hindi naman po ako matalino," nakangising sambit ko sa kanya. "Nako pahumble ka pa talaga, Ok lang yan!" natatawang sambit niya sa akin. Habang nag uusap kaming tatlo ay biglang may bumusina sa labas. "Nandyan na ang Papa mo Gab. Buksan mo na ang gate para sa kanya." Tumayo ng upuan si Gab na nakasimangot at lumabas sa kanilang bahay. "Pag pasensyahan mo na ang ugali ni Gabriel. Ganyan talaga yan masungit! Pero mabait na bata naman yang anak ko naging ganyan lang kagaspang ang ugali niya noong natanggal sa trabaho ang Papa niya dati," "Bakit po natanggal sa trabaho ang Papa niya?" "Nako mahabang kwento!" nakangiting sambit niya sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko ng nakita ko ang Papa ni Gabriel bilang pag galang sa kanya. "Magandang gabi po," nakangiting sambit ko sa kanya. "Ooh? Teka?" sambit niya habang nakatingin sa akin. , "Ikaw ang kauna-unahang dinala ni Gabriel dito. Ikaw na ba ang kinukwento niyang girlfriend niya?" nakangiting sambit ng Papa niya. "Friend lang po. Hindi girlfriend," "Pareho lang yun." Umupo na ang Papa at Mama ni Gabriel sa upuan at sinimulan na namin ang pag kain ng hapunan na magkakasama. Masaya ang pamilya ni Gabriel maingay ang hapag kainan dahil sa kwento nilang mag asawa. Nahihiyang tumingin sa akin si Gabriel dahil sa nabuko na ang matagal niyang tinatago. Tama nga si Dimple may gusto nga talaga si Gabriel sa akin at pinapakilala niya akong girlfriend niya sa mga magulang niya. Hindi naman ako nagalit sa ginawa niya basta hindi na siya pwedeng lumagpas sa ganun. Sinabi ko naman na friends lang kami at hanggang doon lang ang kaya kong i-offer sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay tumakas na si Gabriel sa hapag kainan para pumunta sa sala. Binuksan niya ang ps5 niya at doon ay naglaro siyang mag isa. Tinulungan kong mag ligpit si Tita ng mga pinagkainan namin at hanggang dito ay hindi pa din natapos ang kwento niya sa akin. Nakinig lang ako ng nakinig sa mga kwento niya hanggang sa tinanong ko na ang mga nag gagandahang litrato sa sala sila. "Photographer po si Tito diba po?" tanong ko sa kanya. "Dati. Pero ngayon cameraman na siya," "Itinigil na po ba niya ang pag lilitrato kaya nag cameraman nalang po siya?" "Passion niya ang pagkuha ng litrato kaya nakadisplay yang magagandang litrato sa sala namin pero nag karoon lang ng problema kaya ganun," "May balak pa po bang bumalik si Tito sa paglilitrato?" "Sa ngayon mukang wala eeh. Sobrang nasaktan siya sa nangyari sa kanya ilang taon na ang nakalipas," "Ano pong nangyari Tita?" "Tinanggal kasi sa trabaho yung asawa ko dahil sa isang pagkakamali lang," malungkot niyang saad sa akin. "Nagkamali lang ng tapos tinanggal na agad sa trabaho?" inis kong sambit sa kanya. "Oo! Sobrang na depress siya noong natanggal siya sa trabaho tapos doon na nakanda letse -letse ang buhay namin. Nagsara ang studio namin at huminto siya sa pagkuha ng mga litrato. Mabuti pa din ang Diyos dahil may isang tao siyang pinadala para tumulong sa amin. Binigyan niya ng trabaho muli yung asawa ko at doon ay unti-unti kaming nakabangon," "Ang hirap din po pala ng pinag daanan niyo noh? Ang sama naman ng Boss ni Tito hindi nalang pinalampas yung pagkakamali na ginawa ni Tito. Ganun nalang ba talaga kabilis mag tanggal ng trabahador?" inis kong sambit sa kanya. "Naka move on naman na kami. Kaya wag kana mainis diyan," natatawang sambit sa akin ni Tita. "Hindi man po ganun ka similar ang nangyari sa akin pero halos ganyan na din ang dinanas ko sa kamay ng kapamilya ko. Move on nalang po tayo," natatawang sambit ko nalang. Napapasarap ang kwentuhan namin ni Tita kaya hindi ko namalayan ang oras. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na nasa alas sais palang ito ng hapon. Agad kong tinanong si Tita kung anong oras na at napag alaman ko na alas dies na pala ng gabi. "Anong oras na po Tita? Mukha pong tumigil na ang orasan ko," "Nako iha! Alas dies na! Makakauwi ka pa ba niyan? gusto mo dito ka na matulog at ipapahatid nalang kita ng maaga sa bahay niyo," "Uuwi nalang po ako Tita. Marunong naman po akong umuwi at sanay na po ako sa gantong oras na uwian," sambit ko sa kanya habang nakangiti. Lumapit ako kay Gabriel para magpaalam sa kanya. "Huy! Uwi na ako!" nakangiting sambit ko sa kanya. Agad na tumingin sa akin si Gabriel at tumayo sa upuan niya. Iniwan niya ang nilalaro niya para ihatid ako sa sakayan. Naglalakad kami ni Gabriel sa isang madilim na iskinita noon ng biglang umihip ang malamig na hangin. Bigla akong kinilabutan ng mga oras na iyon parang may mangyayaring masama na hindi ko alam. Basta! Habang naglalakad kami ni Gabriel ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at agad kong tinanggal ang kamay niya. "Anong ginagawa mo Gab?" galit kong tanong sa kanya. "I love you Gia!" seryosong sambit niya sa akin. Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko yun. Tumingin ako ng masama sa kanya. "Gabriel, sinabi ko na sa mga magulang mo na pag kakaibigan lang ang kaya kong i-offer sayo. Kaya please! Tigilan mo yang gusto mong gawin," Biglang lumapit sa akin si Gabriel at hinalikan ako sa labi ko. Agad kong tinulak papalayo si Gabriel sa akin at pinunasan ang labi ko. "Tigilan mo ako Gab! Nakakainis ka!" sambit ko sa kanya sabay lakad ng mabilis. Nagmadali akong maglakad papalayo sa kanya ngunit hinabol niya ako at hinihila ang kamay ko. "Bitawan mo ako! Gab! Please! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya. "Gia! Please ako nalang! Ako nalang ang piliin mo!" pang mamakaawa niya sa akin. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot si Lucio sa tabi ko. Galit na galit ito at nanlilisik ang mga mata. "Pumasok ka sa kotse Gia! Dalian mo!" galit na sambit niya sa akin. Natorete ako sa kanya kaya nagmadali akong pumasok sa kotse niya. "Stay away from my wife!" galit na sambit ni Lucio kay Gab. "Hah? Wife? Peke ang kasal niyo!" pang aasar ni Gab sa kanya. "Aaah? mayabang ka aah!" biglang sinapak ni Lucio si Gab sa mukha kaya biglang bumagsak sa lapag si Gab. Napalabas ako ng kotse sa gulat. Agad kong inawat si Lucio sa ginawa niya ngunit napaka lakas niya kaya pati ako ay tumilapon sa gilid. Nakakatakot si Lucio sa mga oras na ito para siyang nababaliw sa galit! "Akala mo hindi ko nakita yung ginawa mo sa asawa ko? Gago ka!" sigaw ni Lucio. "Akin si Gia! Alam kong mahal ako ni Gianna!" natatawang sambit ni Gab kay Lucio. Natatakot na ako sa nakita ko dahil hinawakan ni Lucio si Gabriel sa damit nito at iniangat. "Stop na! Lucio! Please!" pamimigil ko kay Lucio habang umiiyak. Biglang natigilan si Lucio ng narinig niya ang pag iyak ko kaya agad niyang ibinaba sa sahig si Gab. Umubo si Gabriel ng may dugo kaya bigla akong kinabahan sa kanya. "Gab! Ok ka lang ba?" sambit ko sa kanya. "Ok lang ako! Go! Sumama ka na sa asawa mo kuno!" galit na sambit niya sa akin. Pinabalik ako ni Lucio sa kotse at nagmadali kaming umalis sa harap ni Gabriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD