EPISODE 30

1326 Words
Pagkasakay na pagkasakay ni Lucio sa kotse niya ay agad niyang pinaandar ito. Matulin ang takbo ng kotse niya ng mga oras na ito. Kinakabahan ako sa kanya hindi ko alam ang takbo ng utak niya ngayon. Marami pa akong malalaman tungkol sa kanya at marami pa akong gustong malaman sa pagkatao ni Lucio. "Paano mo nalamang nandito ako kila Gabriel?' tanong ko sa kanila. Hindi ako sinagot ni Lucio bagkus ay mas lalong bumilis ang takbo ng kotse niya kaya napahawak ako sa gilid ng upuan. "Masyado ka ng mabilis mag patakbo!" sigaw ko sa kanya. Ngunit habang patuloy kong kinakausap si Lucio ay mas lalo niyang binibilisan ang patakbo niya ng kotse. "Natatakot na ako! Please!" pang mamakaawa ko sa kanya. Huminto si Lucio sa isang madilim na lugar at doon ay tiningnan niya ako ng masama. Kinakabahan ako sa ganung titig niya dahil hindi ko mabasa ang nasa utak niya. Priness niya pababa yung handle sa upuan niya para humiga ito at doon ay bigla niya akong sinunggaban. Niyapos niya ako ng madiin at hinalikan sa aking labi. Pinipilit niyang pasukin ang bibig ko ngunit hindi ko siya pinahihintulutan. "Lucio stop! Ayoko! STOP!!!" sigaw ko sa kanya sabay tulak sa kanya papalayo. "Hindi mo ako pwedeng iwan!" sambit niya sa akin habang pinipilit akong halikan. "Ano bang pinagsasabi mo!" galit kong sambit sa kanya. Patuloy sa pag yapos at pag halik si Lucio sa akin ngunit pinipilit kong malayo siya sa akin kaya isinasanggalang ko ang kamay ko sa mukha ko. "I said! STOP!" sambit ko sabay sampal ng malakas kay Lucio. Tumingin ito sa akin ng matalim habang hipo-hipo ang kanyang mukha. "Sorry!" biglang sambit ko nalang sa kanya. Inayos niya ang upuan niya at binuksan ang makina ng kotse niya. Umuwi kaming dalawa na walang usapan at walang pansinan. Pag dating na pagdating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko para magbihis at para magpahinga na sa mahabang lakad na nangyari sa akin kanina. Habang nagbibihis ako ay may narinig akong mga bote na nababasag mula sa kwarto ni Lucio. Sumilip ako sa labas ng kwarto ko at rinig na rinig mula dito ang sigaw niya. Galit na galit siya! Nagbabasag siya ng bote sa kwarto niya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon kung pupuntahan ko ba siya para pakalmahin siya o hahayaan ko nalang siyang magwala sa kwarto niya. Sinara ko yung pinto ng kwarto ko at nilock ko ito. Umupo ako sa kama ko para magpahinga ng kaunti at kumuha ng lakas ng loob para kausapin si Lucio. "Tatawagan ko si Dimple." sambit ko sa sarili ko. Habang hinahalughog ko ang bag ko ay naalala kong wala pala sa akin yung cellphone ko na kay Lucio ito. Habang nag iisip ako ng dahilan kung bakit galit na galit si Lucio ay bigla nalang nag pop up sa utak ko ang isang senaryo na maaaring mangyari sa aming dalawa ngayon. "Ano bang meron Gianna? Isipin mo ng mabuti bakit sobrang galit na galit si Lucio!" sambit ko habang nag iisip. "Hindi kaya may nabasa si Lucio sa cellphone ko na dapat ay hindi niya mabasa? Kaso anong meron dun? Wala akong idea kung anong meron sa cellphone ko." Habang malalim ang iniisip ko ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nagmadali akong magsuot ng bathrobe dahil naka undies lang ako sa mga panahon na ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Lucio sa labas. May dala-dala itong isang bote ng alak at baso. "Matulog kana," malumanay kong sambit sa kanya. "Hindi. Mag inuman tayo!" sigaw niya sa akin. Hindi na ako makapalag pa sa kanya dahil bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko. Umupo siya sa sofa at doon at nagsimulang uminom. Pinuno niya ng alak yung basong dala niya at tinungga ito ng isahan. Nakatingin lang ako kay Lucio habang umiinom siya sa kwarto ko. Hinayaan ko siyang uminom ng uminom para hindi siya mag wala. Umupo ako sa upuan ko at kinuha ang print outs para basahin muli ito. "Ano yang binabasa mo?" tanong niya sa akin. "Sa school ko to." Matapos inumin ni Lucio ang isang baso ng alak ay kumuha to ulit at tinungga ng isahan. "Diba may pasok ka bukas? Bakit nag iinom ka?" tanong ko sa kanya. "Wala to. Kunin mo yung isang bag sa kama ko. May regalo ako sayo," "Ano?" tanong ko sa kanya. "Kunin mo ng malaman mo." Lumabas ako sa kwarto ko para kunin yung isang bag sa kwarto ni Lucio. Pagdating ko doon ay nakita ko ang basag-basag na mga bote sa paligid ng kwarto niya at isang paper bag sa kama niya. Kinuha ko ito at dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko ay may nakita akong patak-patak ng dugo sa sahig. Tiningnan ko ang paa ko kung may sugat ngunit wala naman. "May sugat si Lucio?" tanong ko sa sarili ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nakita kong nakayuko si Lucio sa sofa ko. Mukang nalasing na siya sa alak na ininom niya. Paano ba naman punuan ng alak ang inilalagay niya sa baso niya tapos isang tunggaan lang niya itong iniinom. Inilagay ko sa kama ko yung paper bag at tsaka ay nilapitan ko si Lucio. Itinaas ko ang mukha niya at nakita ko ang napaka ganda niyang mukha na namumula-mula na. Yung labi niya namumula na rin parang tinatawag na ako. Tinanggal ko ang coat niya para mapreskohan siya sa katawan niya. "Hindi ka ba magpapalit ng damit mo?" tanong ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakapikit lang siya na tila ba'y natutulog na. Pagkatanggal ko ng coat niya ay nakita ko na kung saan nag mula ang patak ng dugo sa sahig. May sugat siya sa kamay niya. Agad kong kinuha ang medicine kit sa baba at dinala ito sa kwarto. Pinunasan ko muna ng tubig ang sugat niya para mawala ang mga excess na dugo tsaka ay sinimulan ko ng dampihan ng kaunting alcohol para masanitize at betadine. Nilagyan ko din ng bandaid ang sugat niya para hindi ma expose sa dumi at para ay humilom din ng mabilis. Niyugyog ko si Lucio para tulungan siyang pumunta sa kwarto niya ngunit naalala ko ang mga basag na bote sa kwarto niya kaya nilinisan ko nalang ang kama ko at pinahiga siya dito. Pinalitan ko siya ng damit niya at pinunasan ng malamig na tubig ang mukha niya para mawala ang lasing niya. Masarap ang tulog ni Lucio sa kama ko kaya hinayaan ko na siyang matulog dito. Nagbihis na ako ng pangtulog ko at natulog na din ako sa sahig. Masakit sa likod ngunit kailangan kong tiisin na matulog muli sa sahig dahil ito naman ang kinalakihan kong kama. Nasa kasarapan na ako ng tulog ko ng may kamay akong naramdaman sa tiyan ko. Gumising ang diwa ko ngunit nakapikit parin ako inaantay kung anong gagawin ni Lucio sa akin. Naramdaman kong bumaba siya sa kama at umupo sa tabi ko. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung gigising na ba ako o mag papanggap pa rin akong tulog. Maaga akong nag conclude ng mangyayari ng tumabi sa akin si Lucio sa baba. Akala ko gagawan na niya ako ng masama ngunit nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at inilagay sa kama. Dahan-dahan siyang umalis sa pwesto ko ngunit bago pa man siya makaalis sa tabi ko ay hinawakan ko ang kamay niya. "Wag kang aalis," bigla ko nalang nasambit sa kanya. Naimulat ko ang mata ko ng bahagya at nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko kaya humiga siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Sa nangyaring ito hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganto ako kay Lucio. Nagiging marupok ako pagdating sa kanya. "Sana totoo nalang yung kasal. Sana tayo nalang." sambit ko sa sarili ko. Humarap ako kay Lucio at nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa bigla ko siyang hinalikan sa labi niya ng sobrang diin sabay yakap ko sa kanya. Nakangiti akong natulog sa braso ni Lucio. Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon na nakatabi ko siya sa higaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD