Kinabukasan Nagising akong wala sa tabi ko si Lucio. "Lumipat na siguro siya ng kwarto niya kagabi." malungkot na sambit ko nalang sa sarili ko. Tumayo na ako sa kama ko at nag unat ng katawan ko pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina para mag luto ng agahan namin. Bumababa palang ako sa hagdan ngunit rinig na ang kalabugan sa kusina. "Ang aga naman magising ni Manang?" tanong ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa kusina. Mag sasalita na sana ako ngunit nakita ko na ang nagluluto ng agahan ay Lucio. Bising-busy siya sa paghihiwa ng mga regado at karne para sa putaheng lulutuin niya. Lumapit ako sa kanya. "Good Morning!" masayang sambit ko kay Lucio. Akala ko isang ngiti ang matatanggap ko mula kay Lucio ngunit nagkamali pala ako sa iniisip ko. Nagalit siya at sinigawan ako. "Bak

