"S-Sandali! Bakit ka ba sumisigaw? Ano ba ang ikinagagalit mo kay Vincent?" awat ni Romana sa kapatid. Napansin niya ang unti-unti na pagguhit ng nakaloloko na ngisi sa labi ni Lalaine na tila nasisiyahan sa panonood habang nagkukubli sa likuran ni Roman. "Itong asawa mo kasi! Sinabi ko na gumising nang maaga para makaalis tayo kaagad pero heto't kagigising lang din! Sinabi ko na sasakay tayo sa yate para mamasyal sa laot!" Nakatawa na si Roman. Napahilot sa kaniyang sentido si Romana. "Akala ko pa naman ay nag-aaway na kayo kaya nagmadali akong bumangon. Pasaway ka talaga kahit na kailan." Pagak na tumawa si Roman sabay akbay kay Vincent. "Ano naman ang ikagagalit ko sa bayaw kong ito? Bukod sa napakabait na ay mahal na mahal ka pa! Anyway, magpapalaot pa ba tayo o hindi na? Sayang,

