"Kumusta naman kayo ni Vincent?" pagbubukas ni Lalaine sa usapan. Sila lang dalawa ni Romana ang magkasama. Nagpaalam ang dalawang lalaki na aalis para mamingwit ng isda para raw may pagkain sila mamayang gabi. Nasa cabin sila, umiinom ng wine. Ginamit na daan iyon ni Lalaine para malasing ang babae. Mas madali niyang maisagawa ang kaniyang mga plano kung wala ang dalawang lalaki na sagabal. "Okay naman kami. We are planning to have a baby na." Mapait na napangiti si Lalaine pagkarinig sa sinabi nito. Muli niyang naalala ang kaniyang anak na namatay. "Kayo ni Roman? Wala pa ba kayong plano na magpakasal o bumuo ng pamilya? You know . . . Hindi na pabata ang kapatid ko. Excited na rin skong makita ang magiging pamilya at mga magiging anak niya." "Hinihintay ko lang na si Roman ang m

