Chapter 69

1104 Words

"What the hell are you doing, dickhead?!" naulinigan niyang sigaw ng isang lalaki mula sa katapat na bahay. Napasinghap siya nang bitawan ni Vincent ang kaniyang leeg. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang malalagutan ng hininga. Laking pasasalamat niya nang mayroong sumita sa lalaki. "Huwag kang makialam dito! Away pamilya ito kaya labas ka rito!" ma-angas na sagot ni Vincent habang matalim na nakatingin sa lalaki. Nanghihina na napaupo si Romana sa lupa sapo ang kaniyang leeg. Hindi pa niya nababawi ang normal na paghinga. Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Kesyo away ng pamilya o kahit na ano pa 'yan, mali na saktan mo siya! Ano ang laban ng isang babae sa lakas mong kupal ka? Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi ka marunong gumalang sa mas nakatatanda sa 'yo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD