"Ang init naman ng ulo. Nagbibiro lang ako," nakangiti nitong sabi habang nakabitin sa bakal na gate. Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Paano nito nagagawa na magbiro matapos niyang malagay sa bingit ng kamatayan? Hindi naman sila close at ngayon pa lang nagkakilala. "Relax. Gusto ko lang sabihin na dumating na ang mga pulis na hinihintay mo," dagdag nito. Doon niya lang napansin ang dalawang pulis sa likuran ng lalaki. Kaagad siyang lumabas upang magbigay ng statement sa dalawang otoridad. "Maaari po ba namin malaman kung ano ang naging kaganapan dito kanina, Mrs. Suarez?" Nakaramdam siya ng matinding pagkasuklam nang tawagin siya ng unang pulis gamit ang apelyido ni Vincent. "Maaari ba na Miss Lichauco na lang? Huwag niyo nang ipaalala sa akin na kasal ako sa halimaw na

