Muli niyang pinaandar ang kotse at binaybay ang daan. Plano niyang tumungo sa isang liblib na lugar para magkubli. Kailangan niyang makaisip ng isang solid na plano kung paano mahihiwalayan si Vincent. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang ginawa nito noon kay Lalaine na naging dahilan ng pagkawala ng baby nito. "Saan tayo pupunta?" Nagulantang siya sa tinig na nagmula sa kaniyang likuran. Mabilis niyang naapakan ang preno ng kotse sabay lingon sa nagmamay-ari ng tinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkakita kay Evo. Hindi niya batid kung paano at kailan ito pumasok sa kaniyang kotse. "Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit mo?! Paano ka nakapasok dito?!" Prente lang itong sumandal sa upuan at saka humikab. "Wala kasi akong mapaglibangan sa bahay kaya naisipan ko na sumama sa 'yo. Saan

