Parang na-blangko ang kaniyang isip sa hiningi nitong pabor. Nanuyo ang kaniyang lalamunan habang maang na nakatitig sa nangingislap nitong mga mata. "Got you!" biglang sabi nito sabay halakhak. Namimilipit na sapo nito ang tiyan habang patuloy sa pagtawa nang malakas. Daig pa nito ang kinikiliti. Napahiya siya sa kaniyang isip. Dismayadong kinuha niya ang bottled water na nasa gilid at saka malakas na ibinato iyon sa mukha ng lalaki. Sapol ito sa mata. "f**k!" Evo cursed while holding the eye that was hit. "Damn! That's f*****g hurt! I am just kidding! Bakit kailangan mo manakit? Ganiyan ka ba kabrutal?" reklamo ng lalaki. Inangatan lang niya ito ng kilay kasunod ang pagsilay ng isang nanunuya na ngiti sa kaniyang mapulang labi. "Iyan ang napapala ng mga tarantado na kagaya mo.

