Sinubukan niyang sumigaw ngunit kaagad nitong tinakpan ng palad ang kaniyang bibig, ang isa nitong kamay ay may hawak na baril; nakatutok iyon sa kaniyang leeg. "Tumahimik ka kung ayaw mong barilin kita! Hindi mo naman siguro gugustuhin na ipahamak ang anak natin, 'di ba? Hindi ka masasaktan at ang baby kung pipiliin mo na ayusin ang relasyon natin!" Sa takot na masaktan ang anghel na nasa sinapupunan, awtomatiko na lamang siyang napatango. Nanginginig ang kaniyang buong katawan dahil sa takot. "G-gagawin ko ang gusto mo! H-huwag mo lang ako sasaktan . . ." Ipininid niya ang kaniyang mukha nang sinubukan nitong halikan ang kaniyang pisngi. Mariin na ipinikit niya ang mga mata; nakaramdam ng pandidiri nang lumapat ang labi nito sa kaniyang leeg. "Mahal na mahal lang kita at ang baby na

