"A-ah—" Tumawa nang hilaw si Lalaine kay Roman at Romana sabay wave ng kaniyang kamay. "H-hi! S-sorry, naligaw kasi ako! Sobrang lawak naman kasi ng bahay niyo! Gusto ko lang sanang umihi kaya lang hindi ko mahanap ang washroom niyo! Dito ako dinala ng mga paa ko sa paghahanap!" palusot ni Lalaine sa magkapatid. "Sana nagsabi ka para naman sinamahan kita. Naroon lang sa ibaba ang washroom. Sana alam mo na hindi ka dapat pumasok nang basta-basta sa kwarto ng iba." Pinukol ni Romana ang babae nang mapang-uri na tingin mula ulo hanggang paa. Tila naubos na ang kahihiyan nito sa katawan. "S-sorry ulit! B-Babe, samahan mo ako sa ibaba! H-hindi pa kasi ako nakagamit ng banyo. There is someone inside the bathroom kaya hindi rin ako makaihi." Madali na hinatak ni Lalaine ang kasintahan. Mist

