"Hindi pa rin nagbabago ang ganda ng lugar na ito. I am so glad na nakabalik tayo rito." Niyakap ni Romana ang braso ng kaniyang asawa habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mala-ginto na buhangin at kulay bughaw na karagatan ay talaga naman kaaya-aya at hindi nakakasawa na balikan. "P-pumunta na kayo rito?" tanong ni Lalaine, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Yes, Babe. Bumisita na sila rito, a year ago maybe?" sagot ni Roman sa kasintahan. "Isang linggo kayong nag-stay rito sa pagkakatanda ko, right?" baling nito kay Romana at Vincent. Alanganin na ngumiti at tumango si Romana sa kapatid. "Ang sweet niyo naman. Hindi ko akalain na mahilig pala kayong mamasyal." Hindi niya batid kung totoo ang ngiti na nakikita niya sa labi ni Lalaine o isang pagkukunwari lamang. Pagbal

