Pagkauwi nila sa siyudad, ang akala ni Vincent ay tuluyan nang malalayo sa kaniya si Lalaine. Ngunit akala niya lang lahat 'yon. Sa bahay pa rin nila tumuloy ang magkasintahan. "Bakit narito pa rin sila? Kailan ba sila uuwi?" pabulong na tanong niya kay Romana nang makarating sila sa bahay. Bukod sa wala silang privacy kapag naroon ang mga ito, isa pa sa mga dahilan niya ay siguradong patuloy siyang matutukso kay Lalaine kung malapit ito sa kaniya. Hinawakan siya ni Romana sa braso saka pasimple na bumulong, "Nakiusap si Roman na mag-stay pa sila rito ng one month. Gusto niya raw kasi tayong makasama nang matagal bago siya bumalik sa States." Hindi siya tumugon. Para sa kaniya ay napakatagal ng one month. Napakaraming maaari na mangyari sa loob ng isang buwan. Napansin ni Romana ang p

