Nasa isang maayos na silid na si Romana nang dumating si Vincent sa ospital. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang makitang may malay na ang kaniyang asawa. "B-Baby . . ." Kaagad siyang lumapit para tabihan ito. Samantala, nasa isang kanto lang naman si Roman at si Lalaine na nakamasid sa kanila. "Kumusta ka? Ano ang sabi ng doktor? Bakit ka raw nawalan ng malay? Sinabi ko na kasi sa 'yo na huwag kang magpagod." Kinuha niya ang isang kamay nito saka marahan na pinisil-pisil. "Huwag ka nang magalit. Okay na ako. " "Bakit kasi ayaw mo pang kumuha ng maids, Ate Romana? Risky na para sa 'yo ang paglilinis ng bahay lalo pa at tumatanda ka na," sabat ni Lalaine. Ni hindi man lang ito nagpreno ng bibig. Nabura ang magandang ngiti ni Romana sa sinabi nito. Parang sinabi nito na hindi na

