"Lower your voice, Lalaine! Nandito ka sa pamamahay namin! Akala ko ba malinaw na sa 'yo ang lahat?! Matagal nang tapos ang sa 'tin! Bakit ibinabalik mo na naman?!" pabulong ngunit mariin na sabi ni Vincent kay Lalaine. Patuloy ang paglagaslas ng saganang mga luha mula sa namumulang mga mata ni Lalaine. "Hindi ito tungkol sa atin, Vincent. Tungkol ito sa magiging anak sana natin na hindi mo binigyan ng halaga ang buhay!" "Anak mo lang, Laila! Anak niyo ng lalaki mo!" pagtutuwid niya sa mga kasinungalingan nito. "Napaniwala ka na talaga ng matandang asawa mo sa mga kasinungalingan niya! Nilason na niya ang isip mo! Gawa-gawa niya lang ang ideyang 'yan para tuluyan tayong maghiwalay!" Napatawa na lang siya nang sarkastiko. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang umaakto na biktima kahit na h

