Chapter 57

1101 Words

Sa labas ng village, hinintay ni Lalaine ang paparating na rider. Ngayong araw nakatakda na i-deliver ang gamot na kaniyang binili mula sa illegal site online. Palihim siyang lumabas para salubungin ang mag-d-deliver. "Peste naman, oh! Bakit ba ang tagal ng letseng delivery rider na 'yon?! Sunog na ang balat ko kahihintay!" reklamo niya habang hinahaplos ang balat sa braso na bahagyang namumula na dahil sa sobrang init. Ilang sulyap na rin ang ginawa sa kaniyang relo pambisig. Thirty minutes na siyang naka-standby roon ngunit maski anino ng rider ay wala siyang makita. "Tsk! Balak ba talagang ubusin ng taong 'yon ang pasensya ko?" Hinugot niya ang kaniyang phone mula sa bulsa ng pantalon para sana magtipa ulit ng mensahe ngunit napahinto siya sa balak na gawin. May tumigil na motors

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD