Itinaas ni Roman ang kaniyang noo. Desidido na siya na sabihin sa kapatid ang totoo. Handa na siya sa kung ano man ang kahihinatnan ng lahat. Mas maigi nang mawala sa kaniya ang taong minamahal kaysa mabuhay sa kasinungalingan. Hindi niya maatim na pagtakpan ang kabastusan na ginagawa ng kaniyang kasintahan at asawa nito. "Tama ang narinig mo, Romana! Ang babaeng 'yan at ang asawa mo ay palihim na naglilingkisan sa tuwing nakatalikod tayo! Niloloko tayo ng dalawang iyan, matagal na!" Bumaling ang tingin ni Romana kay Lalaine. Nakasalampak pa rin ito sa lupa at tila maamong tupa. Nakatingala ito sa kaniya na parang nagmamakaawa. "T-totoo bang may relasyon kayo ni Vincent?" Hindi niya matanggap na nagawa iyon ni Lalaine. Kahit na mayroon silang hindi magandang nakaraan ay ginawa niyang

