Handa nang wakasan ni Lalaine ang buhay ng babaeng puno at dulo ng lahat. Mawawala lamang ang kaniyang galit kung makikita niya itong lumalangoy sa sarili nitong dugo. "Tawagin mo na ang lahat ng santa at santo na kilala mo dahil ito na ang huling araw na masisilayan mo ang mundo!" Mahigpit na niyakap ni Roman ang kapatid. "M-maawa ka, Lalaine! M-maawa ka sa anghel na nasa sinapupunan niya!" "Maawa? Sila ba ay naawa sa akin noon? Hindi! Mas nanaig ang mga kalibugan nila kaysa awa! Kaya anong rason ko para maawa sa puta mong kapatid, ha? Bigyan mo ako ng isang rason na makakapagpabago ng isip ko." "Dahil mabuti kang tao, Lalaine! Nilamon ka lang ng galit mo kaya ka naging ganiyan! Please, Lalaine . . . Idaan na lang natin ito sa mabuting usapan," nagsusumamong pakiusap ni Roman. Nangi

