Chapter 64

1061 Words

"Narito na ako!" malawak ang ngiting sigaw ni Lalaine nang makabalik siya sa bahay. Walang sumagot kaya naman nabura ang kaniyang ngiti sa labi. "Nasaan kaya nagpunta ang matandang 'yon?" Sinilip niya ang kusina ngunit wala ito. "Ate Romana?" Inakyat niya ang kuwarto nito sa ikalawang palapag para i-check ito roon. Walang sumagot kaya naman pinihit niya ang seradura ng pinto. Hindi iyon naka-lock. Malaya siyang nakapasok. "Ate Romana?" Wala pa rin siyang nakuhang tugon bakas na walang tao roon. "Nasaan kaya 'yon?" Akmang palabas na siya ng silid nang maulinigan ang lumalagaslas na tubig mula sa banyo. "Nandiyan ka ba, Ate Romana?" Kinatok niya nang malakas ang pintuan ng banyo ngunit wala pa rin tugon. Naramdaman niyang mayroong hindi tama kaya naman binuksan na niya ang pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD