Chapter 63

1153 Words

"Oh, bakit? Nagkukuwento lang ako, Bayaw! Bakit parang gusto mo na akong suntukin sa mukha?" Sinasadyang tudyuhin ni Roman ang lalaki. Sa oras na lumapat ang kamao nito sa kaniyang mukha ay sisiguraduhin niyang may kalalagyan ito. Ngunit nabura ang kaniyang ngisi nang ngumisi rin ito pabalik. Dinakma nito ang kaniyang balikat at saka marahan na pinisil. "Huwag mo kasi akong inggitin, Bayaw. Alam mo naman na ilang linggo na akong tigang dahil natatakot akong galawin ang kapatid mo. Ayaw ko kasing may mangyari na masama sa anak namin." Kaya ba ang kasintahan niya ang pinaparausan nito? Walang kwentang dahilan. "Ganoon ba?" sabi na lang niya ngunit sa kaniyang loob ay lubha siyang nandidiri sa ginagawa nito. Lumabas na ito sa empty room na 'yon at saka dumiretso pabalik sa silid nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD