Chapter 88

1149 Words

Halos isumpa ni Evo ang punong mangga na 'yon nang makababa siya. Hawak niya nang mahigpit sa kaliwang kamay ang isang buwig na bunga. "Heto na ang mangga mo!" masama ang loob niyang bulong bago inabot ang bagay na 'yon kay Romana. Pakiramdam niya ay manhid ang kalahati ng kaniyang itlog dahil sa lintik na manggang pinaglalawayan ng kaniyang kasintahan. Puro pantal din ang kaniyang mga braso at mukha sa dami ng kumagat sa kaniya. "Thank you!" tuwang-tuwa na sabi ni Romana, kulang na lang ay tumalon ito sa galak. Matapos makapagpasalamat sa may-ari ay inihatid na niya ang babae sa condo. "Call me kung gusto mong lumabas. Hindi ka maaaring magpagala-gala nang walang kasama. Delikado para sa 'yo at sa bata, maselan ang pagbubuntis mo." Umasim ang mukha ng kaniyang nobya. "Iiwan mo ako?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD