Wala siyang ideya kung saan nito hinugot ang pagdududa na 'yon. Bago pa lang silang magkasintahan ngunit nagpapakita na si Evo ng hindi magandang pagtrato sa kaniya. Para naman itong natauhan matapos tanggapin ang malakas na sampal na 'yon. Ang mga mata ay mababakasan ng pagsusumamo nang ibalik ang tingin sa kaniya. "S-sorry, B-Babe . . . A-ayaw ko lang na mayroong ibang lalaki na kumakausap sa 'yo." Tinangka siya nitong hawakan ngunit mabilis na tinabig niya ang kamay nito. Pailalim na tingin ang ipinukol ng matalim at naniningkit niyang mga mata. "Hindi ko alam na napaka-immature mo pala. Bakit mo pa ako niligaw-ligawan at pinasagot ng oo kung wala ka naman palang tiwala sa akin?!" nanggagalaiti niyang tanong. "I-I'm sorry, B-Babe . . . I didn't mean to upset you . . ." hinging paum

