"Excuse me, maiwan ko na muna kayo," paalam ng nurse sa kanila bago lumabas ng kuwarto. Nang sila na lamang tatlo, marahan na tinanggal ni Romana ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Evo, "Maaari ba na bigyan mo kami ng maiksing oras para makapag-usap?" mahinahong tanong niya sa kasintahan. Nagpantay ang dalawa nitong makapal na kilay. "Sa kuwartong ito na kayo lamang dalawa? Kasama ang lalaki na 'yan? No!" mariin nitong pagtanggi, muli siyang hinawakan. Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Evo. Pinagtangkaan ni Vincent ang kaniyang buhay kaya naman hindi nito kayang magtiwala sa lalaki. "Evo . . . Give me a favor, please?" muling pakiusap niya. Napabuga ng hangin si Evo, halatang ayaw pa rin siyang iwanan kasama ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama. "

