"B-babe . . . Y-you know how much I love you. W-wala akong alam sa sinasabi mo!" pagmamaang-maangan ni Lalaine. "Tell me the truth. Ano ang sakit mo? Para saan ang Misoprostol na itinatago mo sa akin?!" "Misoprostol? Hindi ba para sa ulcer 'yon? May ulcer ka, Lalaine?" sabat ni Romana. Kanina pa ito nakikinig sa kanilang usapan. Lihim na napamura sa isipan si Lalaine. Nanggigigil siya sa pakialamero niyang nobyo. Sinira nito ang mga plano niya. "Ah, oo! One week na kasing sumasakit ang tiyan ko kaya naisipan kong bumili ng gamot online. Ayaw ko nang mag-alala pa si Roman kaya hindi ko na ipinaalam. Kaso, nabuko niya rin ako." Sinundan niya iyon ng mapaklang tawa. "Ano pa at naging fiance mo ako?! Bakit ba napakahirap sa 'yo na sabihin sa akin ang totoo?" Padabog na tumayo mula sa ka

