Chapter 80

1166 Words

Nanlilisik ang mga matang tiningnan ni Vincent ang nanikmura sa kaniya, ngunit muli na naman umangat ang kamay nito. Napasalya siya sa rehas na bakal nang gawaran siya nito muli ng isang malakas na suntok sa mukha. Umikot ang kaniyang paningin kasunod ang pagbulagta ng katawan niya sa sahig. Hindi pa ito nakontento, pinagtatadyakan pa ang kaniyang katawan habang nagtatawanan naman ang iba pa nitong kasama. Nang magsawa marahil ay hinablot nito ang kuwelyo ng kulay orange niyang t-shirt at saka sapilitan siyang itinayo. "Hindi uubra ang ganiyang pag-uugali rito sa loob, bata! Kung gusto mong mabuhay, mas mabuti kung makikisama ka sa amin. Dahil wala kang magiging kakampi rito, tanging kami lang na ka-kwadra mo!" nagkikiskisan ang mga ngipin nito habang siya ay dinidiktahan ng nararapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD