"Dalahin mo ako sa kanila! Gusto kong puntahan kung saan nagtatago ang babaeng 'yon!" utos ni Lalaine sa kaniyang tagasunod. Nakalipas na ang ilang segundo ngunit hindi kumilos ang lalaki na kaniyang inutusan. "Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sabi ko dalahin mo ako sa kanila!" asik niya. "Nangangamba ako sa maaaring mangyari kung susundin kita, Miss Montenegro . . . Alam na ni Boss Tristan ang mga plano mo." Pabagsak siyang sumandal sa upuan at saka hinilot ang kaniyang noo. Si Tristan ang sagabal sa lahat ng kaniyang plano. "Ihatid mo ako sa mansyon. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya." Kaagad naman pinaandar ng alalay ang sasakyan. Narating nila ang mansyon na kanilang tinutuluyan makalipas ang kalahating oras. Pagpasok pa lamang ay bumungad na sa kaniya ang galit na

