"S-Sir Vincent! A-Ano pa pong tinatayo-tayo niyo riyan?! Dalahin na natin si Ma'am Laila sa ospital." Parang na-estatwa si Vincent sa kaniyang puwesto. Nagtatalo ang dalawang parte ng kaniyang isip kung ano ang dapat niyang gawin. Dapat ba na isalba pa niya ang bata sa sinapupunan ni Laila o hayaan na lang ang babae na makunan sa gayon ay wala na silang maging problema ni Romana? "S-Sir Vincent!" umiiyak na sigaw ni Rina. "S-Sa pagkakataon na ito ay piliin mo naman ang anak mo! K-Kahit ito na lang ang gawin mong kabutihan para sa mag-ina mo!" Akmang ihahakbang na niya ang kaniyang binti papalapit sa asawa nang biglang pumasok sa pintuan si Tristan. "Laila!" bulalas nito nang makita si Laila na duguang nakasalampak sa sahig. Nabitawan nito ang hawak na basket na puno ng prutas at

