Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Romana nang buksan niya ang email ng kaniyang sekretarya. Bumaba ng ilang percent ang sales ng company dahil sa ilang investors na umatras na makipagpartnership sa kanila. Dahil ito sa issue na kaniyang kinasangkutan. Mabilis na kumalat 'yon sa business world at hindi na niya naisip na iresolba dahil sa dami ng kailangan niyang unahin gawin. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang mobile phone. Numero ni Vincent ang rumerehisto sa screen. Nagkaroon siya ng agam-agam kung tama ba na sagutin niya pa ang tawag nito o ignorahin na lamang. Hindi maganda ang kanilang huling pagkikita at kilala niya si Vincent, hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto. "Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?" tinig ni Evo mula

