Tahimik lang si Lalaine habang pinagmamasdan na kumain si Roman. Magana pa rin ito sa pagsubo ng pagkain kahit na kaharap nito ang taong nagdulot nang matinding sakit sa kaniya, ang taong niloko siya at ginamit lamang para sa sariling hangarin. "Bakit hindi mo ginagalaw ang foods mo? Ayaw mo ba ng mga inorder ko para sa 'yo? Gusto mo bang umorder ng bago?" Pumihit si Roman paharap kung nasaan ang crew at saka itinaas ang kanan na kamay upang kuhain ang atensyon nito. "Waiter!" Agad naman na lumingon ang taga-serve na may hawak na tray, kasalukuyan itong naghahatid ng order sa kabilang table. "Roman!" saway niya sabay hatak sa kamay nitong nakataas. Pagkaraan ng ilang segundo ay tiningnan niya ang waiter at saka umiling, tanda na hindi nila kailangan ng serbisyo nito. "What's wrong?

