Walang kahirap-hirap na ginutay-gutay ni Tristan ang kaniyang saplot na para bang isa lamang iyong papel. Umiiyak na napayakap na lamang sa sarili si Lalaine, pilit tinatakpan ng mga braso ang maselang bahagi ng katawan. "H-huwag mong gawin 'to, Tristan. H-hindi mo ito kayang gawin sa akin. P-please, h-huminahon ka muna," nanginginig niyang pakiusap kahit na batid niyang walang saysay iyon. Wala sa itsura nito ang planong huminto. Nag-aapoy ang mga mata at nagkikiskisan ang mga ngipin, sobrang higpit din ng kapit nito sa kaniyang dalawang braso. "Hindi ba gusto mo ng anak? Kaya kitang bigyan! Isa? Dalawa? Isang dosena?! Ilan ba ang gusto mo?! Bakit ba nakakulong ka pa rin sa nakaraan gayong ang anak na ipinaglalaban mo ay anak ng gagong lalaking 'yon?! Sa tingin mo ba kung nabuhay siya

