Walang pag-aatubili na pinuntahan niya ang ospital na kinaoroonan ni Vincent. Napatakip na lamang siya ng kaniyang bibig habang umiiyak nang marating niya ang silid nito. "V-Vincent . . . " tawag niya sa lalaki na ngayo'y tila isang lantang gulay na. Nakaramdam siya nang matinding pagkaawa sa dating asawa. Ang tanging suporta na lamang sa katawan nito ay ang mga aparatong nakakabit dito. Lumingon nang bahagya ang lalaki sa kaniyang direksyon. Nang makilala siya ay sinubukan nitong tumayo ngunit bigo ito sa nais na gawin. Wala ng lakas ang kaniyang mga binti para tumayo. Muntik pa itong mahulog sa kama kaya naman nagmamadaling nilapitan ito ni Romana para bigyan ng suporta. "H-huwag ka nang gumalaw! H-hindi mo pa kaya," utos niya rito sa pagitan ng pasinghot. Kanina pa siya umiiyak ha

