CHAPTER 5

1544 Words
Kahit ipinakita at pinatunayan na ni Marcus sa kanya na mahal na mahal s'ya nito ay hindi parin niya mapigilan ang sariling ma-insecure sa mga magagandang babaeng minsan makasalamuha ng kanyang asawa lalo na't di s'ya maganda at malayo lang ang kanyang hitsura sa mga magagandang dalagang minsang nakakaharap ng asawa. " Bakit kaba nagdududa sa pagmamahal ko, Lyn, darling? hindi pa ba sapat sa'yo na pinakasalan kita at binigyan ng time? hindi kita pakakasalan kung hindi kita mahal, kaya h'wag kang makikinig sa mga negative na narinig mo. I love you so much darling. Ikaw lang talaga." Matamis na wika at pangako pa ng asawa na pinanghahawakan naman niya. Siya na talaga ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil pag-aari niya si Marcus at asawa s'ya nito. Subalit minsan ay mapapahiya pa s'ya sa tuwing ipakilala siya nitong asawa sa mga party na dadaluhan nila. Hindi s'ya nito itinago sa bahay kundi proud talaga itong dalhin siya kapag may mga importanteng party itong daluhan. "Oh my goodness, why did she become your wife, Mr. Monteverde? Are you blind?" Walang prenong wika pa ng isang magandang babaeng isa sa mga guest sa party'ng iyon. Natigilan naman si Marcus sa sinabi ng magandang babae at nakatingin sa kanya. Mahigpit s'yang hinawakan ng asawa at pinisil iyon na ibig sabihin ay h'wag niyang pansinin ang sinabi ng babaeng kaharap nila. " Ay! sorry. Nadulas tuloy ang dila ko." Nakangiti pang wika nito sa kanila at lalo na sa kanya. Hiyang-hiya siya ngunit ayaw naman n'yang mang away dahil mas lalong mapahiya pa si Marcus kung maging palaaway pa s'ya. Wala nang mahihiling pa si Lailyn. Basta kasama lang n'ya ang asawa ay okay na ang lahat para sa kanya. Ngunit lumipas ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi s'ya nabuntis. Nagpa check up naman sila ngunit nagulat s'ya nang malaman na s'ya ang may diperensya at di daw niya kayang bigyan ng anak ang kanyang asawa. " Marcus, paano na 'to? napakasakit to sa atin na hindi kita mabigyan ng anak." Nag-alala at umiiyak na wika ni Lailyn sa asawa. Natahimik si Marcus. Hindi ito sumagot sa kanyang sinabi. Nakikita niya kung paano ito na apektuhan sa nalaman mula sa Doctor ng mga ito na hindi s'ya magkakaanak. Tila maiiyak s'ya at nag-alala kung anong gagawin niya. Samantalang si Miss Anikah Alvarez ay lagi palang nakibalita about kina Marcus at Lailyn na dati niyang alalay. Kaya nalaman niyang gustong-gusto na pala ni Marcus ng anak tapos hindi pa nagbuntis si Lailyn. At nang mabalitaan nitong nais magpa check up ang mag-asawa ay ang ginawa nito'y tinawagan nito ang private Doctor ng mga Monteverde na babayaran niya ito ng malaking halaga basta I fake lang nito ang result na baog ang asawa ni Marcus. Kaya ngayon ay nagtagumpay naman s'ya dahil naibigay na nga ang result na baog si Lailyn. Siguradong manlamig si Marcus sa asawa nito. Lalo na't gustong gusto na nito ang anak. Mula noon ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay ni Lailyn. Napansin na n'yang naging malamig na sa kanya si Marcus at tila nagbago ang pakikitungo ng asawa sa kanya. At minsan ay dalawang araw na itong hindi umuuwi. Nasaktan s'ya ngunit tiniis lang niya ang lahat. Pakiramdam ni Lailyn ay wala na s'yang kakampi sa mansion dahil parang nagbago bigla ang kanyang asawang si Marcus. " Marcus, bakit ngayon ka lang?" Salubong naman niya sa asawa. Dalawang araw itong hindi nauwi. Kaya nag-alala at nasasaktan s'ya sa ginawa ng asawa lalo na't hindi man lang s'ya nito tinawagan. " Pagod ako, Lailyn. Kaya h'wag mo akong kulitin at kausapin." Malamig na wika nito sa kanya at sabay talikod sa kanya. Naiwan naman s'yang napahikbi. Ibang-iba na si Marcus sa kanya! _____ Madalas nang hindi umuwi si Marcus at wala s'yang nagawa kundi ang umiyak sa kanilang kuwarto habang naghihintay lagi sa kanyang asawa. Hangga't nagimbal nalang s'ya isang araw nang umuwi si Marcus na dala ang isang magandang babaeng buntis! " M-marcus!? a-anong ibig sabihin nito?" Umiiyak niyang tanong sa asawa at parang sinaksak ang kanyang dibdib ng patalim ang sa mga sandaling iyon! "Lailyn, I hope you understand me. She is Haneline. I paid her to get pregnant with my child. Hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol dito dahil nahirapan ako. At ngayong malapit na s'yang manganak ay kailangan ko s'yang dalhin dito upang maalagaan ng isang Doctor ng obstetrician-gynecologist or OB-GYN. Upang healthy ang anak ko. I'm so sorry, gusto ko ng anak, Lailyn. " Ang sabi ng asawang si Marcus. Nakita niyang nang-uuyam namang nakangiti sa kanya ang magandang babaeng buntis na kasama nito! Parang dinaganan ng buong mundo si Lailyn sa kanyang nalaman at narinig mula sa asawa. Talong-talo s'ya sa babae. Bukod sa maganda ito ay buntis na ito sa anak ng kanyang asawang si Marcus! "At ako Marcus!? paano ang naramdaman ko? hindi mo ba iniisip na sobrang sakit ito sa akin?! niloloko mo ako at iniinsulto! porke't ganito lang ako, hindi mo nirerespeto ang naramdaman ko bilang asawa mo!" Malakas n'yang iyak sa harap ng asawa at ng babaeng buntis. "Sawang-sawa na ako, Lailyn! gusto ko na ng anak! kaya h'wag mo akong sisihin." Matigas na tugon ni Marcus sa kanya. " Ang sakit ng ginawa mo, Marcus! pinagmukha mo akong tanga! ang sakit nito at di ko ito matanggap!" Malakas parin niyang pag-iiyak na wika sa asawa. " Hindi mo ba ako naiintindihan? kaligayahan mo lang ba ang iniisip mo ha? totoong mahal kita, Lailyn, pero kailangan ko din ng anak! at kapag maipanganak na niya ang anak ko ay ikaw ang magiging ina nito para lang din ito sa atin!" Malakas ding wika ni Marcus. " Hindi. Hindi ko kayang tanggapin ito, sobrang sakit ng ginawa mo, Marcus. Sana man lang kinausap mo muna ako kung okay ba sa akin ang ganito. Sana inisip mo man lang na sobrang masasaktan mo ako sa ginawa mong ito!" Hagulhol nang iyak ni Lailyn. "Kung hindi mo kaya ang ginawa ko, Lailyn, you're free to leave my territory!" Inis at malakas ding sigaw sa kanya nito. Nabigla si Lailyn sa narinig at nanlumo s'ya at tila nawalan bigla ng lakas at pag-asa sa buhay. " Aling Ramona! samahan mo si Haneline sa kanyang magiging kuwarto dito!" Tawag at utos pa ni Marcus sa isang katulong ng mansion na hindi na s'ya pinansin pa at tinalikuran na. Nagmamadaling pumasok si Lailyn sa kanilang kuwarto ng asawa. Doon siya umiyak ng umiyak. Maya-maya'y pumasok naman ito sa kanilang kuwarto at walang imik sa kanya. Nagbihis lang ito at muling lumabas agad sa kanilang kuwarto. Nanginginig si Lailyn sa sari-saring naramdaman. Hindi s'ya makapaniwala na gano'n nalang kadaling dalhan s'ya ng asawa ng babaeng buntis sa anak nito. Napakalaking insulto talaga sa kanya at parang hinihiwa ang kanyang puso ng paulit-ulit sa katotohanang nalalaman ngayon. Kailangang makakausap niyang muli si Marcus. Magmakaawa s'ya rito na kahit paaalisin lang nito ang babaeng binuntis nito sa kanilang mansion. Ngunit sumapit nalang ang gabi ay hindi na muling pumasok ang kanyang asawa sa kanilang kuwarto. Napilitan naman s'yang lumabas at mugto ang mga matang hinahanap si Marcus. Ang kanyang biyenan namang si Florenda ang kanyang naabutan sa Living room kung saan laging nagtatambay ang kanyang asawa. " M-mommy, si.. si Marcus po?" Napilitang tanong niya rito. Hindi parin s'ya nagustohan nito hanggang ngayon bilang manugang nito. "Bakit? hindi mo ba alam, Lailyn? Isa ka ngang dakilang tanga. Nagpahinga na ang asawa mo at ang babaeng ipinalit niya ngayon sa'yo. Ang babaeng may kakayahang magbuntis ng kanyang anak! nasa kuwarto ni Haneline ang asawa mo. Gusto ni Haneline na laging katabi si iho Marcus dahil iyon ang hiling ng anak nila sa kanyang sinapupunan." Napataas ang kilay na wika nito kasabay ng pang-uuyam ng mga ngiti nito sa kanya. " H-hindi po totoo 'yan!" Nanginginig na naman at umiiyak bigla na sambit ni Lailyn. " Poor. Hindi ka na nga pinagpala sa mukha pati na rin sa pagkakaroon ng anak ay hindi rin! kaya natural na maghahanap ng anak ang anak ko sa ibang babae!" Singhal pa nito sa kanya. Tila nabingi pa si Lailyn sa narinig mula sa kanyang maldita at matapobreng biyenan. Kaya nagmamadali na siyang hinahanap kung nasaan ang kuwarto ng nagngangalang Haneline. Si Aling Ramona naman ang kanyang pinuntahan at tinanong. " Pero ma'am, masasaktan lang po kayo. Hayaan niyo nalang po si Sir na kasama si Ma'am Haneline." Awang-awa na sabi sa kanya ni Aling Ramona. " Sabihin mo agad, Manang Ramona! karapatan ko ito dahil asawa ako ni Marcus!!!" Umiiyak na naman niyang wika sa katulong. Napilitan nalang ang katulong na ituro sa kanya kung saan ang naging kuwarto ni Haneline. Nasa first floor lang pala dahil buntis kasi ito at malapit nang manganak kaya bawal itong sa itaas ang kuwarto nito. Humihingal pa si Lailyn na nakarating sa pintuan ng kuwarto ng babaeng binuntis ng kanyang asawa. Isang masayang halakhakan ang kanyang narinig sa loob ng kuwarto. At tinig iyon ng kanyang asawang si Marcus at ng babae nito. Dumikit siya sa dingding at sumandal malapit sa pinto at patuloy na umiiyak. " Ano ba, Marcus!! nakikiliti na ako, pati ang baby natin ay nakikiliti na rin!" Malakas pang tawa ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD