CHAPTER 4

1543 Words
Nagpasalamat s'ya dahil paglipas ng ilang araw ay nakalabas na ang kanyang ama mula sa hospital. At iyon ay malaking utang na loob nila kay Mr. Marcus Gavin Monteverde. Wala na s'yang nagawa kundi sundin ang gusto ng binata na hindi na magtatrabaho sa ex girlfriend nitong si Ma'am Anikah Alvarez. Dahil bukod sa tinulongan na sila ng binata ay binigyan pa sila nito ng puhunan para sa negosyo. Patuloy sa panliligaw sa kanya si Marcus. Noong una ay ayaw niya talagang maniwala na nagkagusto nga ito sa kanya dahil hindi talaga s'ya maganda at wala pa s'yang maipagmalaki rito. Subalit paulit-ulit s'yang niligawan ni Marcus at pinatunayan talaga nito sa kanya na mahal s'ya nito. " Hindi kaya nakakahiyang sagutin ko kayo, Sir? baka kasi umaabuso lang ako sa kabutihan niyo kahit alam ko namang hindi ako nababagay sa'yo." Malungkot niyang sabi rito. Tinitigan s'ya nito at bigla nitong hinawakan ang kanyang isang kamay. "Mahirap ba talaga akong paniwalaan? hindi pa ba sapat ang mga ginawang pagtulong ko sa inyo para iparating sa'yo na mahal kita kaya ayokong maghirap ka at ang mga mahal mo sa buhay? kahit ako hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang itong naramdaman sa'yo. Para sa akin ay kakaibang babae ka, Lailyn. Basta mahal na mahal kita."Senserong wika nito sa kanya. Hindi niya napigilang mapahikbi sa harapan nito. "Natatakot po akong magmahal ng isang tulad niyo, Sir. Wala po akong binatbat sa mga naging girl friend niyo sa ganda nila. Samantalang ako ay ganito lang, hindi maganda at galing pa sa mahirap na pamilya." Ang sabi naman niya rito. "Why are you thinking about those things? What's important is that I truly love you, Lailyn. And I'm willing to marry you right away." Seryosong tugon nito sa kanya at hinalikan agad nito ang kanyang kamay na hinawakan nito. "Dont be afraid, darling. I really love you." Dagdag pang sabi nito. " S-sige po, pumapayag na po ako." Nahihiya pa niyang sagot rito. Biglang nagliwanag ang buong mukha ni Sir Marcus sa kanyang sinabi. "Wala nang bawian 'to, Lailyn. Sinagot mo na ako." Natuwang wika nito sa kanya. Hindi naman s'ya nakatugon sa sinabi nito at sinalubong ang mga tingin nito sa kanya. Hindi talaga s'ya makapaniwala na magiging boy friend niya ang isang tulad ni Marcus. " I love you so much and thank you sa pagtanggap sa pagmamahal ko." Senserong wika pa nito. " N-nakakahiya ako nga itong dapat magpasalamat eh, na hindi ko alam kung bakit m-minahal mo ako sa p-pagiging ako." Nautal pang wika niya rito. "Don't think negatively. Basta, mahal kita." Seryoso paring wika nito. Nabigla pa s'ya nang niyakap s'ya nito. Ngunit agad naman s'yang gumanti ng yakap rito. Pagsapit ng ilang araw ay dinala s'ya ng binata sa pamamahay ng mga ito. Saglit s'yang natulala nang Makita ang karangyaan ng mga ito dahil sa laki ng mansion ng mga Monteverde. At sa muli ay para s'yang nakadama ng panliliit sa kanyang sarili. Anong mukhang maihaharap niya ngayon sa mga magulang ni Marcus? Nanlamig ang mga kamay niya ngunit mahigpit s'yang hinawakan ni Marcus upang ipadama sa kanya na h'wag siyang matakot. "Why are your hands cold, darling?" Tanong pa nito sa kanya at pinisil ang kanyang mga kamay. " Na tetensyon po ako, Marcus na ipakilala mo ako sa mga magulang mo." Sagot niya rito. " Bakit ka naman matetense? nandito ako sa tabi mo darling. Don't worry." Sabi pa nito sa kanya na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya. Pagkapasok nila ay agad bumungad kay Lailyn ang isang magarang loob ng mansion. Napaawang ang bibig niya nang makita ang malaking bulwagan ng mansyon! isang nakamamanghang tanawin ng karangyaan. At makikita agad ang isang kristal na chandelier na ang liwanag nito ay humahagip sa mga alikabok na lumulutang sa hangin, bawat isa ay tila kumikinang iyon na parang mumunting diyamante. Ang sahig naman ay makintab na parang salamin at sumasalamin sa kagandahan ng paligid. Ang mga haligi ay yari sa marmol na may masalimuot na ukit na tumataas patungo sa isang mataas na kisame at pinalamutian ng mga fresco na naglalarawan ng mga eksena ng mga mitolohikal na diyos at diyosa. May malalambot at makapal na pulang karpet ang pumipigil sa ingay ng mga yapak. Sa kaliwa naman ay makikita ang isang malawak na hagdanan, na yari sa maitim na mahogany at may mga inlays na mother-of-pearl, at kulot na umaakyat pataas, nawawala sa mga anino ng mga itaas na palapag. Sa tabi naman nito ay isang makintab na elevator, na may mga pinto na yari sa salamin at bakal na hindi kinakalawang na tahimik na nag-aalok ng isa pang paraan upang umakyat sa mga palapag. Sa kanan naman ay isang napakalaking, masalimuot na inukit na kahoy na pinto na nagpapahiwatig ng isang silid-aklatan na puno ng mga aklat na may leather-bound, ang mga gulugod nito ay kumikinang na ginto sa sinala na liwanag. Sa likod naman ng bulwagan ay napasilip din si Lailyn sa isang pormal na silid-kainan o dining room. Para pa siyang di makakilos na napatanga sa ganda sa loob ng mansion ng mga Monteverde. Isang salu-salo ang pinaghanda ni Marcus para sa mga magulang nito at kay Lailyn upang ipakilala ang babaeng nais nitong pakasalan. At gano'n nalang ang gulat ni Mr. and Mrs. Monteverde nang makita ng mga ito si Lailyn! " Dad, Mom, siya si Lailyn Santiago. Girl friend ko at nais ko agad pakasalan." Pakilala at deretsong wika ni Marcus sa mga magulang. " Darling, meet my parent, sina Mommy Florenda at Daddy Arthur." Wika naman ni Marcus sa kanya. "M-magandang tanghali po, Ma'am at Sir." Nanginig na bati at galang ni Lailyn sa mga ito. Kitang-kita si Lailyn na kanina pa nagulat ang mga reaksyon ng parent ni Marcus nang makita s'ya ng mga ito. At mas nagulat pa ang mga ito nang sabihin ni Marcus na pakasalan agad siya ng binata. " Are you out of your mind, Marcus!? What kind of woman are you going to marry? I won't allow it!" Galit na galit na sigaw ni Mrs. Florenda Monteverde. "Goodness, Marcus, think about it some more!" Hindi naman makapaniwalang wika ng ama ni Marcus at nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi napigilan ni Lailyn na mapahikbi dahil sa kahihiyan na naramdaman. At nanginginig s'yang napatayo. " S-sorry po. Marcus, sorry, aalis na ako." Umiiyak na paalam ni Lailyn. " No, Lailyn! dito ka lang. " Pigil ni Marcus sa kanya. At napayuko lang s'ya na hiyang-hiya sa harap ng mga magulang ni Marcus. "I love her Mommy, Daddy! kung hindi niyo s'ya gusto, ako ay gustong-gusto ko s'ya. Kami ang magsasama at hindi kayo! bakit niyo ba pakikialaman kung sino ang gusto kong pakasalan? No one can stop me from marrying her!" Pakikipag argumento ni Marcus sa mga magulang. " Marcus!" Nanlaki ang mga matang sabay na sambit nina Mrs. Florenda at Mr. Arthur Monteverde. ____ Gusto sanang hiwalayan ni Lailyn ang binata ngunit nagmamakaawa ito sa kanya. Kaya kahit nahirapan s'yang pakisamahan ang mga magulang nito ay ipinagpatuloy nalang niya ang pakikipagrelasyon kay Marcus. Kahit s'ya ay naitanong sa kanyang sarili kung bakit s'ya pa ang minahal ni Marcus at nais pakasalan. Gulat na gulat pa ang mga kakilala ng binata, mga kaibigan nitong mayayaman at mga babaeng nagkakagusto rito at lalo na ang mga dating karelasyon ni Marcus nang malaman na pinakasalan s'ya ni Marcus sa isang simpleng kasal lang sa Huwes. Ilang Oras lang ang lumipas ay naging ganap na s'yang asawa nito at kumalat agad sa social media at magazine ang pagpapakasal ng isang billionaire na CEO sa isa sa mga sikat at malaking kompanya sa Pilipinas. Headline news: "OMG! Billionaire CEO Mr. Marcus Gavin Monteverde married a plain, unattractive woman!" Ito ang nagkalat sa mga diaryo at iba naman sa social media. Grabe ang reaction ng mga netezens lalo na ang mga kakilala ni Marcus sa biglang pagpapakasal ni Marcus kay Lailyn. Gulat at galit na galit si Miss Anikah Alvarez sa nalaman at nagsisi tuloy ito kung bakit ginamit niya si Lailyn na lalapit kay Marcus para rito. Wala palang sinasanto si Marcus sa isip nito dahil pati ang walang ganda niyang naging alalay ay pinulot nito at pinakasalan pa! isang napakalaking hangal ang ginawa ni Marcus! ___ Maraming negative ang narinig ni Lailyn subalit naging malakas lang s'ya dahil pinoprotekhan s'ya ng kanyang asawa. Isang maganda at malamig na hotel kung saan sila nag honey moon ng asawa. At sa gabing iyon ay inangkin s'ya ng paulit-ulit ni Marcus. Grabe ito sa kama, sobrang init magdala at sobrang nakakakiliti at nakakakilig para sa kanya. " Wow, you're so tight, darling. I really like it." Bulong nito sa kanya habang inangkin s'ya ng kanyang asawa. Hindi s'ya makapaniwala na bigla nalang s'yang makapag asawa ng isang tulad ni Marcus. Napakaswerte niyang babae. Damang-dama din niya ang buong pusong pagmamahal ni Marcus sa kanya. Kung nanaginip man s'ya ay sana h'wag nalang s'yang magising pa. Sana nga ay totoo si Marcus sa kanya habang buhay. " Gusto ko agad ng anak, darling." Sabi ni Marcus sa kanya. Para kay Marcus ay wala s'yang pakialam sa mga sinasabi ng iba. Nagpakatotoo lang s'ya sa kanyang sarili. Mahal niya si Lailyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD