Umalis na sa ospital sina Yvonne at Kelvin. Hindi na muna sila lumuwas pauwi ng Sidera sa halip ay namasyal na muna sila sa park. Magkasabay na naglalakad nang mabagal sina Yvonne at Kelvin sa bandang gitna ng park. Nililibot nang tingin ni Kelvin ang paligid habang sumisilay ang ngiti sa labi niya. Masasabi niyang hindi nagkakalayo ang itsura ng park ng Sidera sa park dito sa Lianera, ang syudad. Marami ding mga puno at halaman dito sa paligid na nagbibigay ng luntiang kulay. Lumanghap ng hangin si Kelvin. Doon niya napansin ang pagkakaiba ng hangin dito sa syudad sa hangin na meron ang Sidera. Presko at masarap ang hangin sa pinanggalingan nila pero dito sa Lianera, hindi ganu’n ka-presko at kasarap ang hangin dahil may humahalong polusyon. Mas nabawasan lamang dito ang polusyon sa may

