Nakaupo si Alexa sa may bench na nasa tabi ng pintuan ng hospital room ni Eiann. Tulala siyang nakatingin sa kawalan. Mugto ang mga mata ni Alexa. Kakatapos lamang niyang umiyak muli pero kumikislap na naman ito at tila magbubuhos muli ng luha. Tumatakbo sa isipan ni Alexa ang sinabi ng doktor sa kanya tungkol sa kondisyon ngayon ni Eiann. Parang ayaw niyang paniwalaan iyon. “Mayroon siyang post-traumatic amnesia. Side effect iyon ng nangyaring aksidente sa kanya dahil sa head injury niya. Sa ngayon, ilang alaala lamang ang nasa utak niya at pansamantalang nawala ang iba,” mahinahong paliwanag ng doktor kay Alexa. Nasa loob sila ng opisina ng una at nakaupo si Alexa sa kanang upuan na nasa harapan ng office desk ng doktor. “Kailan magbabalik ang iba niyang alaala, Doc?” pagtatanong ni

