Matapos na sumakay sa bisikleta at mamasyal nila Yvonne at Kelvin ay kumain naman sila sa isang fast-food chain. Sa fast-food chain na iyon ay kinain nila ang mga paborito nilang pagkain gaya ng fries, chicken, spaghetti, sundae at cheese burger. Matapos nilang mabusog sa pagkain at kwentuhan ay muli silang namasyal sa park. Magkahawak-kamay silang naglalakad sa gilid ng park habang panaka-nakang tinitingnan ang isa’t-isa ng may ngiti sa kanilang mga labi. “Haaay! Ang saya ng araw na ito,” wika ni Yvonne. “Wala tayong ibang ginawa kundi ang magpakasaya lang,” aniya pa. Muling tiningnan ni Kelvin si Yvonne. Ngumiti ito saka tumango-tango. Nakikita niya sa mukha ni Yvonne ang nararamdaman nitong kasiyahan at nagiging masaya rin siya ng dahil doon. Nagpatuloy sa paglalakad sila Kelvin at Y

