Ngiting-ngiti sila Yvonne at Kelvin habang palabas sila ng city hall. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang diretso lamang ang tingin sa nilalakaran nila. Nakalabas na sila ng city hall. Huminto sila sa paglalakad saka tumayo. Muli silang humarap sa harapan ng city hall. Hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Ilang sandali pa ay narinig ni Kelvin na tumawa si Yvonne kaya tiningnan niya ito. Kumunot ang noo niya saka nagsalubong din ang makapal na kilay. “Bakit ka tumatawa diyan?” takang tanong ni Kelvin kay Yvonne. Tiningnan ni Yvonne si Kelvin. Natawa ulit siya saka ningitian ang asawa. “Naisip ko lamang kasi na para lang pala tayong dumaan sa drive thru,” sagot ni Yvonne sa tanong ni Kelvin. “Ano?” patanong pang sambit ni Kelvin sa nagtataka pa ring tono. Mahinang tuma

