Glorydale's POV Isla Barbados "Saan ka po punta, ma?" tanong ni Reina sa akin habang nag iimpake ako ng damit. "May pupuntahan lang si mama saglit, dito muna kayo kay papa Ax, ha, saglit lang si mama." "Eh, bakit po malaki ang bag n'yo?" sabat naman ni Wayne sa aking gilid habang naka upo sa kama. "Ah, kasi, mga labahin 'to ni mama, ihahatid ko lang 'to sa mga may ari.." palusot ko pa. Ngayong araw na kasi ang flight ko papuntang Bogota at makipag ayos sa mga kasamahan sa cartel. Paulit ulit nila akong pinapatawag, pero ngayon lang ako nagkapanahon at nagkalakas ng loob. Dalidali ko pang hinalikan ang mga noo ng aking mga anak at bitbit ang malaking maleta'y tinahak ko na ang b****a ng pintuan. Nakasandal si Ax doon habang naninigarilyo. Nababasa ko ang mukha nito na tila b

