Glorydale's POV Isla Barbados "You're two weeks pregnant ma'am.." sabi ng aking Ob Gyne habang hinubad ang suot na eyeglasses. Hawak-kamay kaming dalawa ni Ax na dumayo sa sentro ng Barrio ng Barbados sa oras na 'yun. Kahit pa nakadamit kami ng simple't payak na pang islang damit ay hindi pa rin nawawala ang pagtingin nila sa amin sa na parang mga reyna't hari. Matapos kasing sabihin iyon ng aking doktor ay yumukod ito at may ibinigay na papel. Nang makaalis kami sa kaniyang klinika ay binasa ko iyon sa daan. Sakay lamang kami ni Ax ngayon ng aming simpleng motor at dahan-dahang nagpapatakbo pauwi sa aming tahanan. Nabasa ko pa ang sulat at nakasulat doon ang mga warning ng taga Costa Rica at Bogota, pinaghahanap nila ako sa mga parteng nabanggit na lugar. Marami ang nahati s

