Zhander's POV Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Medyo masakit ang ulo ko dala ng nararamdamang 'di maganda. "Hmm.." She moaned. Gumilid ako ng higa. Itinukod ko ang siko ko at ipinatong ang ulo ko. Nakangiti akong pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal ko. Payapa siyang nakahiga at nakapikit. Magkatabi kaming natulog last night. Ayokong mawala siya kagabi kaya dito ko na siya pinatulog. Hindi ako makapaniwala na sinasabihan niya rin ako ng 'i love you'. Dati pinangarap ko lang 'yun. Mula nung nalaman kong ikakasal sila ni Dave noon ay hindi ako mapakali. Gusto ko ako 'yung kasama niyang hinaharap ang pari sa altar. Gusto ko ako 'yun. Hindi ko kinaya ang sakit na naramdaman ko noon. Triny kong kalimutan ang babaeng ito noon nung nasa states ako. Oo. Girlfriends kaliwa't kanan. Pe

