Zhander's POV "I love you, Hoy." Masayang bati ni Minzy. Inihatid ko siya sa bahay nila. Naka sandal ako sa kotse ko habang pinagmamasdan siyang pumasok ng bahay nila. Tumakbo ako at niyakap siya patalikod. Hinigpitan ko ito. Feeling ko kaylangan kong sulitin ang mga sandali. Feeling ko mawawala na siya sa'kin. "Bakit, Zhander?" Tanong niya. "Nothing. Masama bang yumakap sa mahal ko?" Sabi ko at hinigpitan pa ang yakap. "Makita tayo ni kuya." Sabi niya. "I don't care. Alam naman niya. Atsaka ayun siya." Sabi ko at tinuro yung kuya niyang kasama yung pinsan ni Dave sa gilid ng bahay nila. "Tse! Hayaan mo na sila." Sabi niya. Humarap siya at niyakap ako. Nakangiti siya. "Masaya ako sa'yo, Zhander." Seryoso niyang sabi. "Di naman ako masaya sa'yo eh." Pagbibiro ko. "Just kidding." H

