Tumawa si Anthony. "Ano ate, naintindihan mo ba?" Nagtaka siya nang makitang bigla na lang itong matulala. "Ate?" "H-hindi, tama ka. Hindi ko rin naintindihan." Habang nagluluto ng hapunan ay napaso si Rita dahil sa taong sinabi ni Sophia na nagbigay umano ng keychain sa kanya. Itinapat nya sa umaagos na tubig sa gripo ang paso n'ya. "Kung anu-ano kasi ang naiisip ko, e. Yan tuloy." Nagkataon nga lang ba ang lahat? Kung si Martin nga na dati niyang nobyo at ama ng kanyang Anak ang tinutukoy ng bata, paano naman ito mapupunta sa Ormoc, gayong sa pagkakaalam n'ya ay wala namang kamag-anak ang mga del Prado dito? 'Hindi kaya may business trip s'ya katulad ng dati nung hindi s'ya nagpaalam?' Umiling-iling si Rita. 'Hindi. Hindi siguro.' . . "Ano yan?" Tanong ni sean. Nasa isang restaura

