"Se... M-Martin?" Masaya si Rita na muling makita ang dating nobyo, ngunit hindi ito. Pinanlamigan ng tingin ni Martin si Rita. "Anong ginagawa mo dito?" Napayuko si Rita, ramdam n'ya ang pagkasuya nito katulad nang palayasin s'ya sa bahay nito halos tatlong taon na ang nakakalipas. "Totoo ba na... nagpakasal ka na kay Claire?" "Kung oo, ano naman sayo?" Malamig na sagot ni Martin. Nakagat ni Rita ang kanyang labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya maunawaan kung bakit bigla itong nagbago at bakit tila bigla na lang itong namuhi sa kanya. "Kaya ka ba nagbago ay dahil dumating na si Claire? Pero, diba ang sabi mo ay hindi mo naman sya gusto?" Hindi umimik si Martin, malamig lang itong nakatingin kay Rita. Nagtaka si Sean at nagsalit-salitan ng tingin sa dalawa. "Martin, magkakil

