"Aba, mukhang nag-enjoy kayo, a. Saan kayo nagpunta? Kayo, ha." Kantiyaw ni Andeng pag-uwi nila martin at Rita. Gusto sana ni Martin na manatili ng tatlong araw sa Tagaytay, ngunit tinutulan ito ni Rita dahil alam nitong may problemang kinakaharap ang kumpanya nila. "Rita, ser Martin, akala namin ay nag-honeymoon na kayo sa Tagaytay, e." Ani ng katulong na si Dulce. "Oo nga." Segunda ng iba pa. Pumula ang mukha ni Rita. "N-nanay Dulce naman, ano po ba ang sinasabi n'yo diyan?" At nagtawanan ang lahat. Lumabas si Roda para salubungin si Martin. Gusto sana niya itong kuwestyunin kung bakit naman nito biglang naisipang magbakasyon gayong may problem na ngang kinakaharap ang kanilang kumpanya, ngunit ganitong eksena naman ang bumungad sa kanya. Kumunot ang noo n'ya habang pinagmamasdan

