"Ano ka ba, Matina, huwag ganyan. Baka umiyak yan at magsumbong pa sa kuya mo. Baka lalong kang ma-bad shot at baka tuluyang masira ang relasyon niyong magkapatid." Kunwaring saway ni Claire. Hindi man halata pero ramdam ni Rita na tila sa kanya isinisi ng babae kung magkaroon man ng lamat ang relasyon nila martin at Matina. Tumayo si Claire at lumapit kay Rita, dahil naka high heels ay hanggang ibaba ng tenga n'ya lang ang dalaga. "Ikaw pala ang MAID na si Rita. May konting ganda ka naman, kaya lang ay hindi kasi sapat yan para bumagay ka sa mga del Prado. Siguro ay hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang ibig kong sabihin, mukhang hindi naman ganun kahina ang kukote mo para hindi mo yun maintindihan." Kunwa'y walang narinig si Rita. "Kung wala na po kayong kailangan, Ma'am, aalis

