"ANO?!! Bumalik na sila sa Ormoc? Kailan pa?" Maingay na bulalas ni Roda. Dahil hindi sinasagot ni Martin ang mga tawag niya kung kaya't pinuntahan na n'ya ito sa condo nito. "Martin!" Sinunggaban niya ang damit ng Anak. "Bakit ba hindi ka umiimik diyan? Magsalita ka nga! Bakit mo hinayaang makaalis ang ritang yun na tangay-tangay ang apo ko? Bakit hindi mo man lang sila pinigilan? Hindi ba't gusto mong magpakaama sa bata? O, e, bakit wala kang ginawa?!" Halos maghisterikal na ito na animo'y ninakawan ito ng milyon-milyong piso, halos ipagwagwagan na niya ang panganay na anak. Kinalas ni Martin ang kamay ng ina sa kanya. "At bakit ko naman sila pipigilang umalis? Alam n'yo naman siguro na mas may karapatan si Rita kay Sophia kaysa sa akin, hindi ba, dahil s'ya ang ina ng bata? Saka tama

